Halos dalampung buwan ko ring iniwan ang blog na ito dahil sa pagkakataon na lumipat sa isang bayarang domain na akma sa gusto kong pangalan. Ilang buwan mula ngayon ay mag-i-expire na ang kontrata ko kaya’t nagpasya akong huwag nang ituloy ang pagbabayad sa jongoloids.com.
Kaya eto ako ngayon at nagbabalik sa dati kong tahanan. Dito naman talaga ako unang nagsimula. Dito ako unang nag-blog. Dito rin ako unang nakilala bilang blogger. At dito rin ako nagkaroon ng mga kaibigang blogger.
Nagsimula akong mag-blog noong 2006. Marami nang nagbago mula noon. Marami na ring blogger ang tumigil mag-blog. Dahil siguro sa pagsulpot ng mga micro-blogging site sa pangunguna ng Facebook. Mas madali nga namang magsulat ng one-liner updates kesa sumulat ng mahabang kwento. Pero sa aking pananaw, iba pa rin ang nabibigay na satisfaction ng pagsusulat ng mas mahabang kwentuhan, impormasyon at idolohiya.
Ngayon sa aking pagbabalik, sisiikapin kong ipagpatuloy ang dating gawi. Bagama’t ngayon ay mas trip ko ang gumamit ng sariling wika. Mas simpleng salita. Siguro, minsan may magsusulputang English pero hindi na sobrang nose-bleed.
Maraming salamat sa mga patuloy na sumusubaybay. Tuloy ang ligaya.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.