Tungkol sa pagpapasalamat ang homily ng misa ngayong araw ng linggo. Ayon sa aming parish priest, dapat lang na ipagpasalamat natin ang lahat ng bagay na dumarating at nangyayari sa ating buhay. Kahit na at lalo na yung mga simpleng bagay.
Dapat nating ipagpasalamat ang mga simpleng bagay tulad ng pag-gising sa umaga na indikasyong buhay ka pa. Mga simpleng bagay tulad ng almusal na inihanda ng iyong asawa o ina. Simpleng bagay na may sapat na tubig para makaligo ka. Simpleng bagay na may damit ka na malinis at bagong plantsa. Simpleng bagay na may baon ka sa iyong pagpasok sa eskwela o opisina.
Laking pasalamat ko naman dahil hindi binigkas ng aming kura paroko ang mga salitang “ tanga” at “bobo”. May ilang misa kasi na halos gusto kong tumayo at dalhin palabas ng simbahan ang lahat ng batang nakikinig tuwing binibigkas nya ang mga salitang ito. Hindi magandang halimbawa at may malaking posibilidad na gayahin o bigkasin din ng mga bata. Natapos ang homily ngunit hindi ko narinig ang mga ganung salita kanina. Salamat talaga.
Sa mga nagbasa at patuloy na bumibisita dito, maraming salamat din.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.